Suporta hiling ni Cristobal sa 10-teams
MANILA, Philippines - Malaki ang maitutulong ng malawak na karanasan sa basketball na taglay ni Arturo Cristobal para maging epektibong NCAA commissioner.
Siya ay isang dating champion coach sa liga at nanilbihan bilang technical committee sa panahong sina Aric Del Rosario at Joe Lipa ang nakaupo bilang league commissioners.
Pero mas magiÂging madali ang bagong trabaÂho na ipinataw kay Cristobal kung makikiisa sa kanyang mga plano ang sampung koponan na siÂyang magtatagisan sa Season 90 na magsisimula sa Hunyo 28 sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.
“I want to ask for your cooperation and understanÂding,†wika ni Cristobal. “ Let us work together as one with the organizers.â€
Maraming plano si Cristobal na sa tingin niya ay makakatulong para mas sumigla ang pinakamatandang liga sa collegiate sa bansa.
Isa na rito ay ang unti-unting pagpasok ng mga FIBA rules sa liga lalo pa’t ang Pilipinas ay nagiging aktibo na sa pagsali sa mga FIBA tournaments.
Ang pagpapaintindi sa mga collegiate players sa mga alituntunin ng FIBA ay magpapadali sa adjustment ng isang manlalaro sakaling tapikin siya para pagsilbihan ang national team.
Sisikapin din niya na maging pantay ang officiaÂting sa lahat ng kasaling koponan para mabigyan ang lahat ng kasali ng tsansa na manalo sa liga.
- Latest