St. Dominic, CEU humabol sa semis sa MBL
MANILA, Philippines - Ginulat ng St. Dominic College-Cavite ang Lyceum of the Philippines, 69-62, habang naungusan ng Centro Escolar University ang Our Lady of Fatima University, 48-47, sa dalawang kapana-panabik na laro upang masungkit ang natitirang semis berths sa 2014 MBL Open basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.
Si Sherwin Lao ay humiÂrit ng 10 sa kanyang gaÂme-high 18 points upang tulungan ang Red Pikes na kumpletuhin ang isang come-from-behind na panalo laban sa third-seeded Pirates.
Ang nasabing upset victories ay naghatid sa daÂlawang lower-ranked teams sa semis kung saan makakaharap ng No. 5 CEU ang top seed na Sea Lions at makakatapat ng No. 6 St. Dominic ang No. 2 seed Wang’s Ballclub sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRC Couriers at Zucchero Cafe.
Gayunman, ang Sea Lions at Wang’s Ballclub ang may tangan na twice-to-beat advantages sa semis.
Ang Lyceum at Fatima ay tuluyan namang na-eliminate na kasama ang Polytechnic University of the Philippines.
- Latest