MANILA, Philippines – Isa nang ganap na naturalized Pinoy ang Brooklyn Nets center na si Andray Blatche matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukala ngayong Miyerkules.
Kinumpirma ni National men's basketball team head coach Chot Reyes ang magandang balita at inihayag niya ito sa kanyang Twitter account (@coachot).
Just got word the President has signed @drayblatche citizenship papers. Maraming Salamat, Mr, President!
— Chot Reyes (@coachot) June 11, 2014
Now the hard work begins...
— Chot Reyes (@coachot) June 11, 2014
Inaasahang palalakasin ni Blatche ang Gilas Pilipinas na kulang sa malaking manlalaro sa kanilang pagsalang sa world stage sa Agosto.
Dumating sa bansa ang NBA center nitong Linggo kung saan nag-courtesy call siya sa Senado at sa Department of Foreign Affairs.