MANILA, Philippines - Paglalabanan ng RC CoÂla-Air Force Raiders at exÂpansion team na AirAsia ang ikalawang puwesto sa woÂmen’s division ng 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino ConÂference volleyball tourÂnaÂment ngayon sa Cuneta AsÂtrodome sa Pasay City.
Asahan ang mainitan na tagisan ng Raiders at Flying Spikers na nakalasap ng unang pagkatalo sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa tulong ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Sa alas-2 ng hapon magÂsisimula ang laro at maÂtapos nito ay sasalang ang apat sa limang koponan sa kalalakihan.
Pag-aagawan ng Systema at IEM ang ikalawang panalo sa alas-4 ng hapon, haÂbang ikaapat na sunod na panalo ang tutuhugin ng PLDT-Air Force sa walang panalong Via Mare sa alas-6.
Natapos ang tatlong dikit na panalo ng Raiders nang hindi napigil ang 6-foot-2 spiker na si Dindin Santiago tungo sa 22-25, 13-25, 24-26 pagkatalo sa kamay ng Petron HD Spikers.
Ang PetÂron ngayon ang nasa unahan at ang tropa ni head coach Clarence Esteban ang nasa ikalawa sa 3-1 karta.
Kasunod ang Flying Spikers na nakita ang dalawang sunod na panalo na natapos sa 20-25, 25-23, 20-25, 15-25 pagyuko sa two-conference champion na Generika-Army.
Nagkaroon lamang ang Raiders ng 21 attack points (ATan)