Fiesta Fistiana kasado na sa Hunyo 25
MANILA, Philippines - Matapos ang pitong taon na pamamahinga, ibaÂbalik uli ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Fiesta Fistiana sa Hunyo 25 sa Ninoy Aquino Stadium.
Nagdesisyon ang kasalukuyang pamunuan ng PSA sa pangunguna ng pangulong si Jun Lomibao ng Business Mirror na buhayin uli ang nasabing proyekto para makatulong sa mga pamilya ng mga boksingero at mga disabled boxers.
Ito na ang ika-59th taon mula nang pirmahan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Republic Act 1373 noong Hunyo 18, 1955 na nagbibigay sa PSA, ang pinakamatandang media organization sa bansa, ng tax exemption para makapagpa-boxing.
Noong 2007 sa pamumuno ni Aldrin Cardona ng Daily Tribune huling nagsagawa ang PSA ng Fiesta Fistiana sa Rajah Sulaiman Park at ang main event nito ay sa pagitan nina Philippine super bantamweight champion Alex Escaner laban sa number three challenger na si Jake Verano na nauwi sa tabla.
Makulay ang mga nakaraang edisyon ng Fiesta Fistiana dahil nakatulong ito para bigyan ng ningning din ang mga boxing careers ng mga isinalang.
Kasama sa mga lumaban sa mga naunang edisÂyon na tinitingala ngayon sa larangan ng boxing ay sina Manny Pacquiao, Gabriel ‘Flash’ Elorde, Pedro Adigue, Ervito Salavarria at Olympic silver medalist Anthony Villanueva.
Si Elorde ang kasama sa kauna-unahang Fiesta Fistiana card na nangyari noong 1955 sa Bullfight Arena na malapit sa Rizal Memorial Sports Complex.
Noong 1999 sa lideÂrato ni PSA president Lito Tacujan ng Philippine Star, sumabak sa aksyon si Pacquiao at tinalo niya si Reynaldo Jamili sa loob lamang ng dalawang rounds.
Ang laban na ito ang tumabon sa third round knockout loss ni Pacquiao kay Medgoen Singsurat at nagsilbing tungtungan para kilalanin ngayon bilang natatanging 8-division world champion ng mundo.
Makakatuwang ng PSA ang GAB at ang Siyudad ng Maynila sa torneo.
- Latest