SAN ANTONIO -- Si Tim Duncan ay isa sa piÂnakamahusay na power forÂwards sa NBA history, nguÂnit mas gusto niyang mag-isip na parang point guard.
‘’After my five turnovers the other night, I think I took a step back from that,’’ ani Duncan. ‘’I don’t think that I’m going to be able to step up and fill that role for a little while. But, no, I enjoy getting in the middle of the floor and making decisions and getting the ball to the right place, and that’s what a point guard’s got to do.’’
Hindi na kailangan ng Spurs ng isa pang point guard dahil maganda na ang kondisyon ni Parker maÂtapos umiskor ng 19 points at nagtala ng 8 assists sa Game 1.
Sa kabila ng kanilang 1-0 abante sa NBA Finals ay hindi pa rin kuntento si Parker, lalo na kapag kaÂlaban ang Miami Heat.
‘’That’s why I think we can’t be satisfied,’’ sabi ni point guard Tony Parker. ‘’BeÂcause we was in the same situation and we know they can win here, and so we just have to go out there and play our game and try to win this one. I think it’s a big game for the series.’’
Inaasahang magiging palaban si LeBron James para sa Heat, naisuko rin ang series opener ng NBA Finals noong nakaraang taon sa Spurs at noong 2012 sa Oklahoma City ThunÂder.
Nagkaroon ng leg cramps si James sa huling apat na minuto ng fourth quarter sa Game 1.
‘’I’m doing well, doing a lot better,’’ ani James. ‘’The soreness is starting to get out. I’m feeling better than I did yesterday and with anoÂther day, I should feel much better tomorrow.’’
May 5-0 record ang MiaÂmi sa series kasama si James tuwing natatalo sa Game 1 at kaagad naÂÂkakabawi sa Game 2.
Patuloy naman ang ratÂÂsada ng Spurs lalo na kapag naglalaro sa kaÂnilang homecourt.
Naipanalo ng Spurs ang walong sunod na postÂseason home games ng 15 o higit pang puntos na isang NBA record.