^

PSN Palaro

Bentahe sa NBA finals hawak ng Spurs para makapaghiganti sa Heat

Pilipino Star Ngayon

San Antonio--Sa pagkakataong ito, nasa Spurs ang mahalagang bentahe para maisakatuparan ang  maipaghiganti ang pagkatalong nalasap sa kamay ng Miami Heat sa NBA Finals noong nakaraang taon.

Umabot sa Game Se­ven ang Finals noong 2013 at hindi kinaya ng Spurs na manalo sa bahay ng Heat upang lasapin ang kauna-unahang pagkatalo kapag ang koponan ay nasa championship series.

Sa regular season pa lamang ay nagsikap ang Spurs na maging pinakamahusay na koponan, bagay na kanilang nagawa, para hawakan ang best re­cord at angkinin ang homecourt advantage sa post season.

Mangangahulugan ito na ang unang dalawang laro ay gagawin sa kanilang homecourt at ang mahalagang seventh  game, kung maitatakda, ay babalik sa kanilang lugar.

“We know what we’re going against,” wika ni Spurs guard Tony Parker. “It’s a great challenge.”

Ito na ang ikaanim na NBA Finals ng San Antonio at balak nilang kunin ang ikalimang titulo matapos pagharian ang liga noong 1999, 2003, 2005 at 2007.

Ang huling titulo ay napanalunan laban sa Cleveland Cavaliers sa 4-0 sweep. Pangunahing manlalaro noon ng Cavaliers ay ang bata pang si LeBron James.

Si James ay nasa Heat na at siyang dahilan kung bakit nasa ikaapat na sunod na  NBA Finals ang Miami at kampeon ng liga sa huling dalawang taon.

“Both teams have motivating factors. They have a motivating factor, we have our won,” wika ni James.

Ang Game One ay magsisimula sa Huwebes at ang mahabang pahinga ay nagtiyak din na napaghilom ng Spurs ang mga iniinda ng kanilang key players at matiyak na puno sila ng ener­hiya para mas gumanda ang tsansa na makauna sa serye.

ANG GAME ONE

CLEVELAND CAVALIERS

GAME SE

HUWEBES

MIAMI HEAT

SAN ANTONIO

SI JAMES

TONY PARKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with