Record nina James at Duncan babasagin sa finals rematch

LeBron James ng Miami Heat Tim Duncan ng San Antonio

MIAMI--Maliban kay LeBron James, mayroon pang NBA player na nakatikim ng mas m­araming panalo sa kanya.

Ang kanilang mga nu­­­mero sa nakaraang dekada ay magkapareho.

Si Tim Duncan ay may 622 regular-season at playoff victories at si James ay nakapanalo ng 621.

Nagtala si Duncan ng 50.2 percent fieldgoals shoo­ting, habang si James ay tum­itipa ng 50 percent.

Dalawang beses inakay ni Duncan ang San Antonio Spurs sa dala­wang NBA titles sa kanyang 10-season stretch at may dalawa rin si James para sa Miami.

Sa kanilang muling paghaharap sa NBA Finals ay may 1-1 record sina Duncan at James.

At ang babasag dito ay ang kanilang Finals rematch.

Ang Game 1 ay naka­takda sa Huwebes sa San Antonio.

Sa naturang venue binigo ng Heat ang Spurs kung saan sila nakatakas sa Game 6 at umasa sa 37-point, 12-rebound effort ni James sa Game 7.

“I think our guys, they actually grew from the loss last year,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. “I call it fortitude. I think they showed an unbelievable amount of fortitude. If I can compliment my own team humbly, to have that tough loss, especially the Game 6 and not have a pity party and come back this year and get back to the same position, I think that’s fortitude.’’

Ito ang unang Finals rematch sa NBA matapos ang Chicago at Utah noong 1997 at 1998.

“We were just trying to put it away, just get over that part of it, learn from it, and move forward from there,’’ ani Duncan, nagkampeon noong 1999, 2003, 2005 at 2007.

Naipanalo ng San Antonio ang 62 games sa regular season, ang pinakamagandang record sa liga.

Ang isa sa kanilang mga panalo ay ang 24-point win sa Miami sa nasabing venue.

 

Show comments