MANILA, Philippines - Bawiin ang titulong naisuko noong nakaraang taon ang nakataya sa NLEX Road Warriors sa pagharap sa Blackwater Sports Elite sa Game Two ng PBA D-League Foundation Cup Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayon.
Hawak ng Road Warriors ang 1-0 kalamangan sa best-of-three series matapos ang 90-77 demolisyon sa nagdedepensang kampeon Elite sa unang tagisan noong nakaraang Huwebes.
“We know they (Blackwater) will make some adÂjustments but we’ll be ready,†wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Sa ganap na alas-3:30 ng hapon gagawin ang tagisan at kung manalo ang Road Warriors, maipaghihiganti nila ang pagyuko sa Elite sa pamamagitan ng sweep noong nakaraang taon.
Kapag nakaulit ang NLEX, makukumpleto nila ang 13-0 sweep sa liga.
Hindi naman papayag ang tropa ni coach Leo Isaac na sa ganitong paÂraan matatapos ang kaÂnilang pagdepensa sa suot na titulo.
Pero nananalangin siya na makikitaan ng team work ang kanyang bataan bagay na hindi nangyari sa Game One matapos ang pagkakaroon lamang ng 14 assists sa kabuuan ng bakbakan.
Sa bilang na ito, lima lamang ang kanilang ginawa sa second half para makalayo ang NLEX.
Suporta ng bench ang isa sa magiging susi sa ikapapanalo ng Road Warriors para magkaroon ng magandang pamamaalam sa liga sakaling ituloy ang pag-akyat sa PBA.
Ang NLEX at Blackwater Sports ay nakasama ng Kia Motors na tinanggap ng PBA bilang mga expansion teams sa papasok sa season.
Sina Ronald Pascual at Arthur Dela Cruz na gumawa ng 18 at 17 puntos mula sa bench, ang aasahan para sa patuloy na suporta sa mga starters na sina Kevin Alas, Garvo Lanete at Ola Adeogun para matapos na ang serye.