^

PSN Palaro

Kobe Paras pasok sa YOG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dadalhin ni Kobe Paras ang kanyang talento sa paglalaro ng basketball sa Youth Olympic Games sa Nanjing, Chi­na.

Ang 16-anyos na anak ni dating PBA star Benjie Paras ay nakilala nang pagha­rian niya ang slamdumk side event sa FIBA 3-on-3 World Championship sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang  taon.

Ngunit kung sino ang makakasama ng 6’6 man­lalaro sa ipadadalang ko­ponan ay inaalam pa dahil ang mga teammates sa 3-on-3 World Championship na sina Thirdy Ravena, Arvin Tolentino at Prince Rivero ay hindi na pasado sa edad.

Sinisipat sina Dino San Juan ng La Salle Greenhills, JP Cauilan at Chino Mos­queda ng National University para makasama sa ipadadalang koponan pero kailangan pa nilang ipakita na ka­rapat-dapat silang isama sa Nanjing.

Sa Hunyo 8 ang deadline sa pagpapatala ng pangalan sa ipadadalang delegasyon kaya’t naghahabol ang SBP sa pagsipat kung sino ang pupuwedeng makasama ni Paras.

Ang YOG ay gagawin mula Agosto 16 hanggang 28 at ang Pilipinas ay may naipasok pa lamang na dalawang archers at isang gymnast.

Naghahabol pa ng lahok sa athletics, swimming at triathlon habang ang bo­xing at taekwondo na sinasandalan ng medalya sa mga kompetisyon sa labas ng bansa ay walang naipasang atleta para sa Nanjing.

 

ARVIN TOLENTINO

BENJIE PARAS

CHINO MOS

DINO SAN JUAN

KOBE PARAS

LA SALLE GREENHILLS

NANJING

NATIONAL UNIVERSITY

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with