Andy Jao bagong UAAP commissioner
MANILA, Philippines - Tinapik ng UAAP si Andy Jao para maupo uli bilang commissioner sa Season 77 na magbubukas sa Hulyo 12.
Ang pangalan ni Jao ay pormal na inihayag matapos ang UAAP board meeting kahapon.
“This is to officially announce the appointment of Mr. Andy Jao as basketball commissioner of UAAP Season 77,†wika ni Rod Roque ng UE na siyang host ng papasok na season.
Si Jao ay huling naupo sa nasabing puwesto noÂong 2011 sa panahon na ang Ateneo ang tumayo bilang punong abala.
Maliban sa UAAP, si Jao ay naupo na rin bilang commissioner sa nagsara ng Philippine Basketball League mula 1989 hanggang 1990.
Tanggap ni Jao, consultant ngayon ng Talk N’Text, ang posisyon at inihayag ang pagtapik sa Basketball Referees Association for Schools, Colleges and Universities (BRASCU) na binuo nina Joe Lipa at Romy Guevara.
“They are doing the NCAA but they have enough men to officiate the UAAP,†wika ni Jao.
Sisikapin din ni Jao na gawin ang lahat ng pamamaraan para lagyan ng linya ang pagpito ng mga referees patungkol sa technical fouls.
Pero hindi siya maÂngiÂngimi na patawan ng ganitong tawag ang mga manlalaro at team officials na hindi magpapakita ng respeto sa mga game officials.
Bago pinangalanan si Jao, mahabang listaÂhan ang pinagpipilian ng UAAP board sa puwesto at kasama rito sina Senador Robert Jaworski at dating PBL commissioner Chino Trinidad. (ATan)
- Latest