Power Attackers tinakasan ang Army belles sa Superliga
Laro sa Linggo
(Cuneta Astrodome, Pasay City)
3 p.m. RC Cola-Airforce vs PLDT Home TVolution (Women’s)
5 p.m. Cagayan Valley Rising Suns vs Generika-Army (Women’s)
7 p.m. PLDT Home TVolution-Airforce vs IEM (Men’s)
MANILA, Philippines - Diniskaril agad ng PLDT Home TVolution ang asam na magandang panimula ng two-conference champion Generika-Army nang itakas ang 28-26, 16-25, 29-27, 13-25, 15-12, panalo sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino ConfeÂrence volleyball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sina Sue Roces, MaÂruja Banaticla, Lou Ann Latigay ay naghatid ng 17, 13 at 12 puntos habang si Lizlee Ann Pantone ay mayroong 24 digs para katampukan ang ikalawang sunod na panalo ng Power Attackers sa ligang inorganisa ng Sports Score at handog ng PLDT Home DSL at may suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
“Generika is a tough opponent but it was our defense that pulled us through. Our defense compensated our shortage in offense,†wika ni PLDT coach Roger Gorayeb.
Sina Jovelyn Gonzaga at Rachel Ann Daquis ay tumapos taglay ang 20 at 19 puntos pero naposasan si Mary Jean Balse ng depensa ng Power Attackers.
Isa rin sa tila ininda ng koponang kampeon sa naunang dalawang conferences na isinagawa ng PSL noong nakaraang taon ay ang di paglalaro ng setter na si Tina Salak.
Ang batikang setter ay babalik sa koponan sa laro kontra sa Air Asia sa susunod na linggo.
- Latest