Jao UAAP Commissioner?

MANILA, Philippines - Hindi si living basketball legend Robert Jaworski, Sr. ang magiging susunod na basketball commissioner ng UAAP Season 77.

Ayon sa dalawang sour­ces na may alam sa UAAP board, inirekomenda si Andy Jao, naging league commissioner noong 2011, para palitan si Chito Loyzaga sa pagsisimula ng liga sa Hulyo 12.

Inaasahang ihahayag ng host UE Warriors ang kanilang desisyon bukas.

“Most probably it will be him (Jao) but we can’t really say until it has been officially announced,” sabi ng isang source. 

Napabilang ang pangalan ni Jaworski, isang UE alumnus, sa listahan ng kandidato ng UE.

Ang iba pang ikinunsidera sa naturang posisyon ay sina Noli Eala, Joe Lipa, Chino Trinidad, Bong Ramos ng Barako Bull at dating referee Tito Varela.

Nakasama din sa listahan si UE assistant coach Arturo “Bai” Cristobal, ngunit ito ay itinalaga na bilang commissioner ng NCAA, pangangasiwaan ng host JRU para sa Season 90 sa susunod na buwan.

 

Show comments