Vetyeka determinadong pabagsakin si Donaire
MANILA, Philippines - Determinado si Simpiwe Vetyeka na patunayan sa lahat na isa siya sa dapat na tingalain sa larangan ng boxing.
Itataya ni Vetyeka sa Sabado sa Macau ang hawak na WBA featherweight title laban sa subok ng Filipino challenger na si Nonito Donaire Jr. at sabik at hindi takot ang nararamdaman ngayon ng South African boxer.
“With Donaire, the former RING and milti-division world champion, it is always going to be tough. But I am ready to defend my titles (WBA at IBO) and be recognized as the best in the world. I can’t wait for May 31 to come and showcase my talent and abilities against one of the best fighters in the world,†wika ni Vetyeka sa panayam ng Ringtv.com.
Pinag-aralan na rin ni Vetyeka ang istilo ni Donaire at alam niya na may bilis, lakas, matinding left hook at galing sa counter punching ang makakalaban.
“I feel that I can overcome his strengths and capitaÂlize on his weaknesses. I am not going to divulge these, as they are my secret weapons going into the fight,†dagdag pa ni Vetyeka.
Mas matanda ng isang taon kay Donaire ang 33-anyos na si Vetyeka na mayroon ding ring record na 26 panalo sa 28 laban at 16 KOs.
Si Donaire ay may 32 panalo sa 34 laban at 21 KOs at kahit mas mababa siya ng isa’t-kalahating pulgada sa 5’7†na karibal, pero mas mahaba ng kahalating pulgada ang kanyang reach na nasa 68.
- Latest