Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
2 pm Generika-Army vs PLDT Home (Women’s)
4 pm Cagayan Valley vs Petron (Women’s)
6 pm PLDT Home vs Systema (Men’s)
MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng PetÂron HD Spikers ang ikalaÂwang sunod na panalo habang magandang panimula sa hangaring ikatlong sunod na titulo ang nais ng Philippine Army-Generika Drugstore sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) ngayon sa Cuneta AsÂtrodome sa Pasay City.
Kalaban ng HD SpiÂkers ang minamalas na Cagayan Valley Lady Rising Suns sa ikalawang laro na magsisiÂmula matapos ang pagtutuos ng Lady Troopers at PLDT Home TVolution Power Attackers sa ganap na alas-2 ng hapon.
Magbubukas din ng kamÂpanya ang PLDT HoÂme TVolution sa kalalaÂkiÂhan kontra sa Systema na siyang huling laro dakong alas-6 ng gabi.
Pinabagsak ng Petron ang PLDT sa unang asignatura, 25-27, 25-23, 19-25, 26-25, 15-10, matapos magpasikat ang top pick sa rookie draft na si Dindin Santiago.
Ang 6’2 na si Santiago ay tumapos taglay ang 37 puntos at siya ngayonang may hawak ng scoring record sa ligang inorganisa ng Score katuwang ang PLDT My DSL at may ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Tiyak na depensa ang ipantatapat ng Lady Rising Suns pero kailangan din nilang makitaan ng magandang opensa para mapigil ang dalawang sunod na pagkatalo sa liga.