MANILA, Philippines - Asahan ang eksplosibong bakbakan sa pagitan ni WBA featherweight champion Simpiwe Vetyeka at Filipino challenger at three-division world champion Nonito Donaire Jr. sa Sabado sa Cotai Arena sa Macau, China.
Ito ay dahil parehong nasa magandang timbang na ang dalawa ilang araw pa bago gawin ang laban.
Parehong nasa Macau na sina Vetyeka at Donaire at iniulat na ang dalawang boksingero ay nasa 128 pounds na o lampas lang ng dalawang pounds sa weight limit na 126.
“One thing I am prepaÂred to say is that I will come back home with the WBA super belt,†ani Vetyeka.
Kinilala niya ang husay ni Donaire at ang kinatatakutang left hook nito na ilang beses niyang ginamit para patulugin ang mga nakalaban.
“But we have a plan,†paniniyak pa ng kampeon.
Si Donaire na nasa 140-pounds noong nakaÂraang buwan ay nagpapaÂkondisyon na lamang at hinihintay ang takdang laÂban.
Ang ama na si Nonito Sr. ang siya niyang naÂging trainer sa laban pero nakikita niyang mahalagang tao sa camp ay ang strength and conditioning coach na si Nick Curson.
Walang nakikitang probÂlema rin si Donaire sa kanyang lakas at bilis na siyang susi para manalo kay Vetyeka.
Ang press conference ng labang tinaguriang ‘Featherweight Fury’ na handog ng Top Rank ay sa Huwebes habang ang official weigh-in ay kinabukasan gagawin.