3x3 Tatluhan Finals didribol bukas

MANILA, Philippines - Muling matutunghayan ang klasikong half-court playground basketball sa pa­mamagitan ng 2014 Talk ‘N Text-SBP U18 3x3 Tat­luhan Finals bukas sa Pearl Sports Complex sa Harrison Plaza, Manila.

Papagitna ang 20 four-man teams mula sa iba’t ibang probinsya matapos ang pang alas-11 ng umagang opening ceremony.

Ang magkakampeon ang kakatawan sa bansa pa­ra sa 3x3 FIBA World Tour-Asia Pacific Leg na na­katakda sa Hulyo 19-20 sa Fashion Hall ng SM Me­gamall.

Ang top two teams ng na­turang torneo ang mapapanood sa 3x3 FIBA World Championship sa Tokyo sa Oktubre.

Ang mga nakapasok sa finals matapos ang mga re­gional qualifying tournaments ay ang St. Louis-LHS-B from Baguio City, Team Wowie (Cauayan, Isa­bela), Team DDDV-B (Da­gupan), UA-3 (Pampanga/Olongapo City), Team USA College (Iloilo), Team Faith (Tanuan, Ba­tangas), SHS Ateneo 1 (Ce­bu), Team Titans (Naga City), Team Mandarayo Boys (Lucena, Quezon), Gol­den City (Sta. Rosa, La­guna), Cenn Taynan (Ki­dapawan, Cotabato), Red Rooster (Zamboanga City), Holy Cross Cru­sa­ders (Davao City), Barangay Gusa (Cagayan de Oro), Team Davies A (Ba­colod City), AMA 2 (Na­tional Capital Region-Cen­tral), Barangay Signal D (NCR-South), San Juan 1 (NCR-PNG), Caloocan Team (NCR-North) at Aroro Team (Ormoc).

  Binubuo ng mga pla­yers na may edad 18-an­yos pababa, ang mga fi­na­lists ay hahatiin sa apat na grupo at maglalaro sa single round elimination.

Ang top two teams mu­la sa bawat grupo ang aabante sa Last 8 para sa crossover matches.

Ang mga mananalo ang papasok sa semifinals pa­tungo sa finals na may premyong P35,000.

Show comments