Trainer ni Juan Ma inayawan na ang ika-5 laban kay Pacman
MANILA, Philippines - Walang nakikitang sustansya si Nacho Beristain sa ikalimang pagkikita sa pagitan nina Juan Manuel Marquez at Manny Pacquiao.
Kaya hindi niya pahihinÂtulutan si Marquez na tanggapin ang inaalok na laban kontra kay Pacquiao ng Top Rank.
“I do not care who is anger but I will do everything possible to prevent Juan Manuel Marquez from stepping in the ring with Pacquiao for a fifth time,†wika ng batikang Mexican trainer sa Boxingscene.
Sapat na umano ang apat na pagtutuos na kung saan ang huling laban noong 2012 ay nauwi sa sixth round knockout win sa four-division world champion ng Mexico laban sa Pambansang kamao.
Si Marquez ang sinisilip ni Bob Arum na itapat kay Pacquiao sa pangalaÂwang laban nito sa Nobyembre matapos ang unanimous decision panalo kay Mike Alvarado noong nakaraang Sabado.
Ang naganap na labaÂnan ay isang eliminator para sa tatayong challenÂger sa WBO welterweight division na hawak uli ni Pacquiao matapos ang unaÂnimous decision panalo sa dating kampeon at walang talong si Timothy Bradley.
Nasabi na ni Marquez na gagawin niya ang lahat para maisakatuparan ang pangarap na maging kauna-unahang Mexicano na humawak ng titulo sa limang magkakaibang dibisyon ngunit puwede namang mangyari ito nang hindi nilalabanan uli si Pacquiao, ani Beristain.
Naunang sinabi ni Arum na numero uno sa listahan sa posibleng makaharap ni Pacquiao si Marquez pero puwedeng mabago ito dahil marami siyang puwedeng ipalit.
Tinuran ni Arum na ang magandang samahan uli nila ni Oscar De La Hoya ang nagbubukas sa isa pang opsyon para kay Pacman na labanan ang mga boxers sa kampo ng Golden Boy Promotions.
Pahinga muna si Marquez at kakausapin pa niya ang kanyang handlers para makapagdesisyon.
- Latest