Spurs nanambak Parker nagbida sa 2-0 lead
SAN ANTONIO--Inangkin ng San Antonio Spurs ang malaking 2-0 bentahe sa kanilang Western ConfeÂrence championship series ng Oklahoma City Thunder matapos iposte ang 112-77 panalo sa Game 2.
Umiskor si guard Tony Parker ng 22 points para pagbidahan ang Spurs, habang tumipa si Danny Green ng pitong 3-pointers para tumapos na may 21 markers.
Nag-ambag si Tim Duncan ng 14 points at 12 reÂbounds at may tig-11 markers sina Manu Ginobili at Boris Diaw.
Nakatakda ang Game Three sa Linggo sa Oklahoma City.
Tumapos sina Kevin Durant at Russell Westbrook na may tig-15 points mula sa kanilang pinagsamang 13-for-40 fieldgoals shooting, kasama rito ang malamyang 4-for-14 clip sa third quarter.
Muling naglaro ang Thunder na wala si Serge Ibaka.
Umiskor sina Parker at Green ng tig-8 points sa third quarter kung saan nangibabaw ang San Antonio sa Oklahoma City sa iskoran, 33-18, sa naturang yugto.
Naging pisikal ang Thunder sa simula pa lamang ng laro kung saan nadismaya ang Spurs.
Natawagan si Duncan ng isang technical foul sa huÂling limang minuto sa first quarter nang magreklamo kay referee Ed Malloy dahil sa foul niya kay Durant.
Binuksan ng Thunder ang laro mula sa kanilang 5-0 abante, habang isinara ng Spurs ang first half gamit ang isang 25-8 arangkada.
Umiskor si Green ng magkasunod na 3-pointers para ibigay sa San Antonio ang 55-44 abante sa huling minuto ng first half.
Hindi naman nakaporma ang Thunder sa loob ng dalawang minuto sa 3rd quarter kung saan ipinoste ng Spurs ang 76-50 lead huling 6:20 minuto ng nasabing yugto.
- Latest