^

PSN Palaro

Humakot ng tig-2 ginto Padilla, Lacuna may ibubuga pa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumuha ng tig-dalawang gintong medalya sina shooting legend Nathaniel ‘Tac’ Padilla at Olympian Jessie Khing Lacuna, habang bumasag si weightlifter Nestor Colonia ng Zamboanga ng record sa PSC Philippine National Games kahapon.

Ipinakita ni Padilla ang kanyang pamatay na porma matapos angkinin ang mga gold medal sa men’s 25-meter rapid fire pistol at standard event ng shooting competition sa Fort Bonifacio shooting range.

Nagsumite naman si Lacuna, isang Olympic Games campaigner, ng mga oras na 4:07.19 at 54.54 para sikwatin ang mga ginto sa men’s 400m freestyle at 100m freestyle, ayon sa pagkakasunod, sa RMSC Swimming Pool.

Sa weightlifting, nagposte ng bagong PNG record si Colonia matapos basagin ang lumang 264kgs (116kg sa snatch at 148kg sa clean & jerk) para sa kanyang 271kgs (118 sa snatch at 153 sa clean & jerk).

Ang kanyang binuhat ay katumbas ng bronze medal sa Asian Games.

Sa wrestling, kumubra ng ginto sina national athletes Jayson Balabal at Margarito Angana.

Nanaig sina Balabal at Angana sa men’s Greco Roman 85kg at 59kg, ayon sa pagkakasunod, samantalang nangibabaw sina Roxel Handog (75kg), Maxwell Francisco (71kg), Gregie Jandog (66kg), Mario Gacuma (54kg) at Michael Vijay (50kg).

ASIAN GAMES

FORT BONIFACIO

GRECO ROMAN

GREGIE JANDOG

JAYSON BALABAL

MARGARITO ANGANA

MARIO GACUMA

MAXWELL FRANCISCO

MICHAEL VIJAY

NESTOR COLONIA

OLYMPIAN JESSIE KHING LACUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with