MANILA, Philippines - Hindi pa rin sumusuko ang Cebuana Lhuillier Gems kung ang kampanya sa PBA D-League Foundation Cup ang pag-uusapan.
Apat na sunod na talo ang nalasap ng Gems at ang huli ay nangyari noong Huwebes sa kamay ng Big Chill Superchargers, 72-64, upang malagay sa hukay ang isang paa.
Ang paglapag sa ikaÂapat na puwesto sa elimination round ang nagbibigay-buhay pa sa bataan ni coach David Zamar dahil hinawakan nila ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
“I still believe we can make it into the next round. But we have to show we want it because this game is all about heart,†ani Zamar.
Sa ganap na alas-2 ng hapon haharapin uli ng Gems ang Superchargers sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue, Pasig City at ang mananalo ang siyang kukuha ng ikaapat at huling upuan sa Final Four.
Agad na umabante sa semifinals ang NLEX Road Warriors at Jumbo Plastic Giants matapos kunin ang unang dalawang puwesto sa elimination round habang ang nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite ay nakausad na rin sa pamamagitan ng 89-69 pagdurog sa Café France Bakers sa quarteÂrfinals.
Mataas din ang kumpiyansa ni Superchargers coach Robert Sison na balak na higitan ang paÂngalawang puwestong pagtatapos sa Aspirants’ Cup.
“Can we win two in a row against Cebuana? I’m saying now, we can do it,†deklarasyon ni Sison.
Ang liderato ni Brian Heruela ang isa sa susi bukod pa sa tikas sa opensa ni Janus Lozaga.
Pero mas lalakas ang paghahabol sa puwesto sa Final Four ng Big Chill kung gagana ang mga kamay nina Rodney Brondial, Dexter Maiquez, Jeckster Apinan at Adrian Celada.