Azkals inaasahan ang mahirap na laban sa AFC Challenge Cup
MANILA, Philippines - Bagamat ikinunsidera kaagad sila bilang “popular choice†para pagharian ang AFC Challenge Cup mula sa isang online poll, inaasahan pa rin ng Philippine Azkals na mahihirapan sila para sa torneong nakatakda sa Mayo 19-30 na gagawin sa Maldives.
“All the teams in this tournament are strong and (there are) no easy games in this competition,†sabi ni Azkals striker Phil Younghusband.
Nangunguna ang Azkals sa online poll sa website ng 2015 Asian Cup na may katanungan kung sino ang kukuha ng final qualification spot sa Asian Cup na nakataya sa Maldives Challenge Cup.
Nakakuha ang Philippine team ng 703 votes kasunod ang Afghanistan (400 votes) at Palestinewith (220 votes).
Sisimulan ng Pinoy booters ang kaÂnilang kampanya sa Group B bukas ng gabi sa Addu City laban sa Afghanistan.
Ipaparada ng Afghans, mas mataas ang ranggo sa Azkals sa International Football Federation’s world rankings, ang anim na pros na naglalaro sa fourth at fifth divisions sa Germany.
Ang mga ito ay sina Mansur Faqiryar ng VfB Oldenburg, Djelaludin Sharityar ng 1. FC Schweinfurt 05, Zamir Daudi ng TGM SV Jügesheim, Mustafa Azadzoy ng TB Uphusen, Mustafa Zazai ng FC St. Pauli ll at Mustafa Hadid ng Altona 93.
Pinagharian ng Afghanistan ang 2013 South Asian.
- Latest