Vetyeka mas pinaigting ang paghahanda vs Donaire
MANILA, Philippines - Kinuha ng kampo ni WBA super featherweight champion Simpiwe Vetyeka ang dating body builder na ngayon ay strength and conditioning coach na si Mike McLoughlin para paigtingin ang paghahanda niya para sa laban kontra kay Filipino challenger Nonito Donaire Jr. sa Mayo 31 sa Cotai Arena sa Macau, China.
Hindi matatawaran ang taglay na husay sa pagbo-boxing ni Vetyeka nang kunin ang WBA title via sixth round retired panalo sa daÂting kampeon na si Chris John ng Indonesia.
Ngunit nakikita ng kampo ng South African champion na iba ang lebel ni DoÂnaire kaya’t kinailangan nilang tiyakin na maganda ang kondisyon ni Vetyeka para masabayan ang haÂmon mula sa determinadong katunggali.
“My victory against John opened doors for me. Now I must just stamp my authority,†ani Vetyeka sa paÂnayam ng Business Day Live.
Pinuri rin niya ang paghawak sa kanya ni McLoughlin dahil itinutulak siya nito para ilabas pa ang mga nakatago habang nagsasanay.
Umabot na sa 200 rounds ang kanyang sparÂring at kumbinsido si McLoughlin na gugulatin ng kanyang boksingero si Donaire na balak kunin ang ikaapat na titulo sa magkakaibang timbang.
Si Donaire ay patuloy din ang pagsasanay sa bansa sa ilalim ng pagmamatyag ng ama na si Nonito Donaire Sr. at naipakikita ng 31-anÂyos na boxer ang bangis ng mga kamao sa sparring.
Isa nga sa kanyang pinahirapan ay si dating WBC super bantamweight Silver champion Sylvester Lopez na nasaktan sa ensayo.
Bukod sa pagiging mautak sa ring, si Donaire ay kilalang isang knockout artist lalo na sa mga kalabang gustong makipagsabayan.
Sa 32 laban na hinarap, 21 dito ay natulog para sa kahanga-hangang 61.76 percent.
- Latest