Clippers delikado na sa Thunder
OKLAHOMA CITY -- KuÂmamada si Oklahoma City guard Russell Westbrook ng 38 points na tinampukan ng tatlong free throws sa natitirang 6.4 segundo para igiya ang Thunder sa 105-104 pagtakas sa Los Angeles Clippers at kunin ang 3-2 kalamangan sa kanilang Western Conference semifinals series.
Kinailangan ng Thunder na bumangon mula sa isang seven-point deficit sa huling 50 segundo para talunin ang Clippers.
Nadala si Westbrook sa free throw line nang ma-foul siya ni Chris Paul sa 3-point area kung saan lamang ang Los Angeles ng dalawang puntos sa Thunder.
Matapos isalpak ni Westbrook ang kanyang tatlong free throws ay inagawan naman ng bola ni Reggie Jackson ang pasalaksak na si Paul kasunod ang pagtunog ng final buzzer.
Humugot si Kevin Durant ng 10 sa kanyang 27 points sa huling 3:23 minuto para sa Thunder.
Humakot naman si Blake Griffin ng 24 points at 17 rebounds, habang nagdagdag si Jamal Crawford ng 19 points kasunod ang 17 ni Paul na may 14 assists sa panig ng Clippers.
Maaaring tapusin ng Thunder ang serye sa Huwebes sa Los Angeles.
Kinuha ng Clippers ang 101-88 abante sa fourth quarter mula sa isang 3-pointer ni Crawford bago rumatsada si Durant para sa Thunder.
Sa Indianapolis, tinalo ng Washington Wizards ang Pacers, 102-79, paÂra makalapit sa 2-3 sa kaÂ-nilang serye.
Kumolekta si Marcin Gortat ng 31 points at 16 rebounds, habang may 27 markers si John Wall para sa Wizards na ginamit ang kanilang 39-rebound advantage para talunin ang Pacers.
Maaaring itabla ng Washington ang serye sa Game 6.
Tumapos ang Wizards na angat sa rebound 62-23 sa Pacers.
Umiskor naman si David West ng 17 points para sa Indiana.
- Latest