^

PSN Palaro

Nets humirit sa Heat isa na lang sa Spurs

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Ore.--Tiniis ni Spurs coach Gregg Po­povich ang hindi paglalaro ni Tony Parker noong Abril sa hangaring maipahinga ang kanyang point guard para sa playoffs.

 â€œI barely played in April,” sabi ni Parker. I was joking with Pop if I was still with the Spurs.”

 Ang sugal ni Popovich ay nagbunga ng magandang resulta.

Umiskor si Parker ng 29 points at kinuha ng San Antonio Spurs ang matayog na 3-0 kalamangan sa kanilang Wes­tern Conference semifinal series ng Portland Trail Blazers sa bisa ng 118-103 panalo sa Game 3.

Kaagad na tumipa si Parker ng 20 points sa first half pa lamang para sa Spurs.

Nagposte ang Spurs ng 23-point lead sa first half na nahirapan nang putulin ng Trail Blazers.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Lu­nes sa Moda Center.

Humakot naman si LaMarcus Aldridge ng 21 points at 12 rebounds sa panig ng Portland, nakalapit sa 8 points sa third quarter.

Lubhang nasaktan ang Blazers ng kanilang 15 turn­­overs at nakahugot lamang ng 6 points mula sa ka­­nilang bench.

Wala pang NBA team na nakakabangon mula sa 0-3 pagkakabaon sa isang seven-game series.

 Noong 2003, bumawi ang Blazers buhat sa 0-3 pagkakaiwan para itabla ang kanilang serye ng Dallas Ma­vericks sa 3-3.

Ngunit natalo sila sa Game 7 sa kanilang first-round series.

Hangad ng San Antonio, ang top seed sa West, na makapasok sa kanilang ikalawang sunod na NBA Finals matapos matalo sa Miami Heat noong nakaraang season.

Sa New York, kumamada si Joe Johnson ng 19 points, habang nagdagdag si Andray Blatche ng career playoff highs na 15 points at 10 rebounds para igiya ang Brooklyn Nets sa 104-90 panalo kontra sa Miami Heat at makalapit sa 1-2 sa kanilang Eastern Conference se­mifinals series.

Nagdagdag si Paul Pierce ng 14 points at bumawi naman sina Deron Williams at Kevin Garnett sa pangit nilang inilaro sa Game 1 at 2.

Umiskor si LeBron James ng 16 points sa first quarter at nilimita sa 4 points sa sumunod na tatlong yugto.

Nakatakda ang Game 4 sa Lunes sa Brooklyn sa homecourt ng Nets.

ANDRAY BLATCHE

BROOKLYN NETS

DALLAS MA

DERON WILLIAMS

EASTERN CONFERENCE

GREGG PO

MIAMI HEAT

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with