SANTA CRUZ, LaguÂna, Philippines--Tig-tatlong gintong medalya ang inangkin ng overall champion na NatioÂnal Capital Region at ng CALABARZON (Region IV-A) sa mga ballgames sa pagsasara kahapon ng 57th Palarong Pambansa rito sa Laguna Sports Complex.
Tinalo ng NCR ang Central Luzon (Region III) sa secondary girls’ basketball, 77-54; pinayukod ang MIMAROPA (Region IV-B) sa 4-0, sa secondary boys’ baseball at giniba ang CALABARZON (Region IV-A) sa secondary boys’ volleyball, 20-25, 25-23, 27-25, 24-26, 15-12, para angkinin ang gold medal.
Kumuha naman ng ginto ang CALABARZON (Region IV-A) sa secondary boys’ basketball matapos talunin ang NCR, 86-80; iginupo ang CAVRAA (Region II) sa elementary boys’ basketball, 77-73; at dinomina ang elementary boys’ baseball, 4-0.
Sa iba pang ballgames, dinaig ng MIMAROPA (Region IV-B) ang NCR, 2-0; pinahiya ng Western Visayas (Region VI) ang NCR sa secondary girls’ softball, 2-0; tinalo ng Central Visayas (Region VII) ang CALABARZON (Region IV-A) sa elementary boys’ football, 3-1; at tinalo ng Western Visayas (Region VI) ang Davao (Region XI) sa secondary girls’ volleyball, 25-18, 25-12, 25-23.
Sa kabuuan, kumolekta ang NCR ng 107 gold, 64 silver at 56 bronze medals para dominahin ang taunang sports meet kasunod ang Region IV-A (38-51-51), Region VI (32-33-38), Region VII (24-27-41), CARAA (24-11-12), Re-gion X (21-21-31), Region XII (15-17-30), Region XI (10-20-21), Region V (9-6-22), Region I (8-9-14), CARAGA (5-8-9), Region II (4-13-11), Region VIII (4-8-8), Region IV-B (4-5-11), ARMMA (1-1-4) at Region IX (0-5-10).
Itinampok sa 2014 Palarong Pambansa ang limang gintong medalyang itinakbo ni sprinter Jomar Udtohan ng NCR na paÂwang mga bagong records.
Nagposte ang 17-anÂyos na si Udtohan, nagtapos ng high school sa San Sebastian, ng mga baÂgong Palarong Pambansa record sa secondary boys’ 100m, 200m, 400m, 4x100m relay at 4x400m relay.
Hinirang naman si NCR swimmer Maurice Sacho Illuster bilang atletang may pinakamaraming gold medal na nakamit.
Ang mga ito ay kinuha ni Illustre sa secondary boys’ 200m, 400m at 800m freestyle, 100m at 200m butterfly, 400m medley at sa 400m relay events.
Anim na gintong meÂdalya naman ang ibinulsa ni Mary Queen Ybanez ng Ilocos Region sa archery competition.