^

PSN Palaro

Phl U18 winalis ang SEABA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong manlalaro ang naghatid ng mahigit 10 puntos para sa Philippine U-18 team para sa mada­ling 124-63 paggapi sa Singapore tungo sa pagtala ng sweep sa SEABA Under-18 Championship saTawau, Sabah, Malaysia.

Kumuha ang  nationals ng 40 puntos sa 33 errors ng Singapore habang ang mga bench players na sina Dave Wilson Yu at Jollo Go ay naghatid ng pinagsamang limang 3-pointers para pakinangin ang 3-0 sweep sa torneo.

Ito ang ikaapat na sunod na titulo sa regional meet ng Pilipinas at pang­pito sa siyam na edisyon para makalaro pa sa 23rd FIBA-Asia U18 Championship sa Doha, Qatar mula Agosto 19 hanggang 28.

Si Andres Paul Desi­derio na hindi starter ang nanguna sa koponan sa kanyang 17 puntos habang si Thirdy Ravena ay may double-double na 14 puntos at 12 boards bukod sa tatlong blocks, tatlong assists at dalawang steals sa 20 minutong paglalaro bilang starter.

May 15 puntos si Jia Hao Sim para sa Singapore na nilasap ang ikatlong sunod na pagkatalo.

Nangibabaw ang host country sa Indonesia, 83-60, sa ikalawang laro para kunin ang ikalawang puwesto sa 2-1 karta at makasama ng Pilipinas sa Doha.

 

vuukle comment

AGOSTO

DAVE WILSON YU

DOHA

JIA HAO SIM

JOLLO GO

PHILIPPINE U

PILIPINAS

SI ANDRES PAUL DESI

THIRDY RAVENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with