MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 25 kills si Thai reinforcement Pacharee Sangmuang para igiya ang Adamson Lady Falcons sa semifinals sa Shakey’s V-League Season 11 First ConfeÂrence sa pamamagitan ng 25-18, 25-23, 25-27, 25-22, panalo sa UST Tigresses sa pagtatapos ng quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi naawat si SangÂmuang sa mga pinaÂkaÂwalang matitinding kills para pawiin ang matinÂding laban ng Tigresses sa fourth set at wakasan ang laro sa Group 1 bitbit ang 2-1 baraha.
Pero dahil winner-over-the-other ang ginamit para basagin ang tabla, ang Lady Falcons ang siyang lumabas bilang number one at makakaharap ang number two team sa Group II na FEU Lady Tamaraws sa crossover semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Dahil din sa panalo ay tuluyan nang namaÂhinga ang UAAP champion AteÂneo Lady Eagles at bisitang Davao Lady Eagles sa kompetisyon tangan ang 1-2 baraha.
“We played as a team and we tried to limit our errors,†wika ni Sangmuang na tumapos tangan ang 27 puntos.
Ang kanyang tatlong matitinding kills na sinundan ng magkasunod na aces ni May Jennifer MaÂcaÂtuno ang itinugon ng Lady Falcons mula sa 21-20 iskor pabor sa Tigresses tungo sa panalo.
Si Sheila Pineda ay may 13 digs bukod sa 13 kills habang sina Pau Soriano at Myleen Paat ay naghatid ng 14 at 10 puntos.
Si Ennajie Laure ay may 18 kills tungo sa 21 puntos para sa Tigresses na nakitang nagwakas ang limang sunod na panalo sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Kailangang nanumbalik agad ang dating porma ng UST dahil katunggali nila ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs na kinumpleto ang 3-0 sweep sa Group II sa 25-11, 25-15, 25-17, panalo sa talsik ng St. BeÂnilde Lady Blazers sa unang laro.
Sa Linggo sisimulan ang Final Four na paglalabanan sa best-of-three series.