Saavedra muling nagpasiklab Bagong Palaro record itinakbo ni Udtohan
SANTA CRUZ, Laguna--Naging ugali na ni Jomar Udtohan na sumira ng mga Palarong Pambansa records sa sprint events ng 57th Palarong Pambansa rito sa Laguna Sports Complex.
Kahapon ay binura ni Udtohanng NCR ang 1997 record na 49.4 segundo ni Rene Boy Tanuan ng SouÂthern Tagalog para sa bago niyang bilis na 48.7 segundo sa secondary boys’ 400-meter run.
“Sana makuha ko rin ‘yung gold medal sa 200 meter. Talagang pipilitin kong manalo para maÂkatatlong golds ako,†sambit ni Udtohan.
Nauna nang sinira ng 17-anyos na high school graduate ng San Sebastian ang 1998 record na 10.9 segundo ni Roland Calaunan ng Central Visayas para sa bago niyang tiyempong 10.8 seundo sa 100m dash.
Kagaya ni Udtohan, bumasag din ng Palarong Pambansa mark si Alexis Soqueno ng Western Visayas sa secondary boys’ high jump nang iposte ang kanyang 1.92-meter para burahin ang 1.90m record ni Paulo Martinez ng Southern Tagalog na itinala noong 2002.
Tinangka ni Soqueno na lampasan ang national mark na 1.95m, ngunit hindi niya ito nakaya.
Muli namang naglista ng bagong marka si National Capital Region tanÂker Imee Joyce Saavedra matapos magsumite ng oras na 4:51.83 sa elementary girls’ 400m freestyle para tabunan ang 4:54.55 ni Catherine Bondad ng Region IV-A na itinatala noong 2010.
Unang sinira ng 12-anÂyos na si Saavedra ang mga Palarorecord sa 200m freestyle (2:16.72) at sa 100m freestyle (1:03.46).
- Latest