Walk-a-Mile para sa PH Asiad team kasado na

MANILA, Philippines - Sasamahan ng mga sports officials at sports fans ang mga Filipino athle­tes sa kanilang kampanya para sa darating na 2014 Asian Games sa Incheon, Korea sa pamamagitan ng ‘Walk-a-Mile’ activity sa Linggo.

Hangad ng ‘Walk-a-Mile’ na makakuha ng suporta para sa mga Filipino athletes na sasabak sa Incheon Asiad na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Kabuuang 437 events sa 36 sports ang lalaruin sa 17th edition ng quadrennial meet.

Inaasahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo ‘Ritchie’ Garcia ang higit sa 1,000 participants para sa pep rally na magsisimula sa Roxas Blvd. sa harap ng Malate Church (malapit sa Max’s at Aristocrat restaurants) at matatapos sa harap ng estatwa ni national hero Jose Rizal sa Luneta.

Ang Incheon Asian Games Organizing Committee ay kakatawanin nina Myoungyi Yeo, Yu Byungjin, Heo Kwang Woo, Park Sang Suk at Son Sangjin.

Dadalo rin sina Olympic Council of Asia (OCA) officials Vahid Karnady at Jian Zhou.

Show comments