3 gold kay Pachec0, NCR tankers gumiba ng record

SANTA CRUZ, Laguna, Philippines --Dalawang bagong record ang naiposte sa swimming event, habang ipinagpatuloy ni Bryan Jay Pacheco ang pagdomina sa thro­wing events sa athletics sa 2014 Palarong Pambansa kahapon dito sa Laguna Sports Complex.

Binura nina Imee Joyce Saavedra at Seth Isaak Martin ng National Capital Region ang mga Pala­rong Pambansa marks sa elementary girls’ 200m freestyle at boys’ 100m backstroke, ayon sa pagkakasunod, para kunin ang gintong medalya.

Nagtala si Saavedra ng bagong record na 2:16.72 para sirain ang 2:18.86 ni Catherine Bondad na inilista noong 2010, habang nagrehistro si Martin ng 1:07.21 para burahin ang 1:07.56 ni Evan Gravador na inilista noong 1998.

Ang iba pang nanalo ng ginto sa kanilang mga events ay sina Emilio Jose Viovicente ng NCR sa elementary boys’ 200m freestyle (2:12.96), Maurice Sacho Illustre ng NCR sa secondary boys’ 400m freestyle (4:19.47), Christine Jhoy Mendoza ng NCR sa secondary girls’ 400m freestyle (4:47.54) at Bhay Maitland Newberry ng CALABARZON sa elementary girls’ 100m backstroke (1:12.89).

Sa athletics, nagposte ng bagong Palarong Pambansa record si Bryan Jay Pacheco ng Central Luzon.

Bumato ang 17-anyos na si Pacheco ng bagong record na 62.47m para ibulsa ang ginto sa secon­dary boy’s javelin throw at burahin ang luma niyang 57.81m sa 700-kgs. na kanyang inilista noong nakaraang taon.

Show comments