Garcia tiwala sa kampanya ng Phl team sa Asiad
MANILA, Philippines - Ipinahayag kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia ang kanyang paniniwala na makakapag-uwi ang delegasyon ng mga gold medals sa 17th Asian Games sa Incheon sa Setyembre.
Noong 2010 sa Guangzhou ay tatlong gold medals lamang sa boxing, billiards at bowling ang nakamit ng bansa.
At umaasa si Garcia na malalampasan ito ng mga national athletes sa Incheon Asian Games.
“That remains our goal. Let’s hope that we can win five or even more,†wika ni Garcia, ang Chef-De-Mission ng Phl delegation.
“Maybe we can hit five,†dagdag pa nito.
Walo hanggang siyam na sports ang sinasabi ni Garcia na makakapagbigay ng mga medalya mula sa 2014 Asian Games.
Ang mga ito ay ang boÂxing, cycling (BMX), weightlifting, archery, bowling at basketball.
Sa huling apat na buwan bago ang Games, kaÂbuuang 142 atleta mula sa 19 sports ang ibinilang na sa Philippine lineup, haÂbang may humigit-kumulang na 100 pa ang umaÂasang mapapasama sa biyahe sa Incheon.
Ang mga qualifiers ay ang men’s basketball team, women’s softball team (15), men’s rugby team (12), track and field (10), taek-wondo (12), bowling (12) at boxing (8).
Naglatag ang PSC ng P50 milyon para sa training at dagdag na P30 milyon para sa actual participation ng mga atleta.
- Latest