Blazers pasok sa semis; Mavs, Nets dumiga ng Game 7
PORTLAND, Ore. - Sa unang pagkakataon maÂtapos ang 14 taon ay magÂlalaro ang Trail Blazers sa seÂmifinal round ng Western Conference.
Ito ay matapos ikonekta ni Damian Lillard ang isang 3-pointer bago tumunog ang final buzzer para ilusot ang Portland Trail Blazers kontra sa Houston Rockets, 99-98, sa Game 6 at tapusin ang kanilang first-round series sa 4-2.
Nasa kanilang unang playÂoff appearance matapos noong 2011, anim na beÂses napatalsik ang Portland sa first round .
Ito ang unang pagkakaÂtaon na umabante ang BlaÂzers sa second round saÂpul noong 2000.
Nagsalpak si Dwight HoÂward ng apat na sunod na free throws para itabla ang laro sa 91-91 kasunod ang kanyang bank shot na nag-angat sa Houston sa 93-91 sa huling 3:04 minuto sa fourth quarter.
Tumipa si Robin Lopez ng isang tip shot para ibigay sa Blazers ang 94-93 bentahe sa 2:15 minuto.
Ang layup at foul shot ni Howard ang nagtaas sa Rockets sa 96-94 kasunod ang fadeway jumper ni Nicolas Batum sa nagtabla sa BlaÂzers sa 96-96 sa huling 39.9 segundo.
Umiskor si Chandler ParÂsons ng isang reverse layÂup sa natitirang 0.9 seÂgunÂdo para muling ibigay sa Houston ang unahan, 98-96.
Kasunod nito ang ay ang tres ni Lillard para sa PortÂland sa pagtunog ng fiÂnal buzzer.
Umiskor si Lillard na may 25 points, habang humakot si Marcus Aldridge ng 30 points at 13 rebounds.
Sasagupain ng Blazers ang mananalo sa serye ng San Antonio at Dallas.
Sa Dallas, umiskor si MonÂta Ellis ng 12 sa kanyang 29 points para sa pagÂresbak ng Mavericks sa fourth quarter at gibain ang San Antonio Spurs, 113-111, sa Game 6.
Kumamada si Dirk NoÂwitzki ng 22 points sa pagpuwersa ng Mavericks sa Spurs sa Game 7.
Sa New York, ipinagpag ni Deron Williams ang kanyang ankle injury sa third peÂÂriod para umiskor ng 23 points at ihatid ang Brooklyn Nets sa 97-83 tagumpay konÂtra sa Toronto Raptors sa Game 6.
Ang mananalo sa serye ng Nets at Raptors ang saÂÂsagupa sa nagdedepensang Miami Heat sa semis.
- Latest