Anti-doping program pangungunahan ng sports commission

MANILA, Philippines - Tataas ang kaalaman ng mga atleta at coa­ches sa bansa sa doping ma­tapos aprubahan ng Uni­ted Nations Educational, Scien­tific and Cultural Or­ganization (UNESCO) ang planong educational na­tionwide campaign.

Magpapalabas ang UNESCO ng $20,000.00 pondo sa Pilipinas para ipangtustos sa programa na tutungo sa 27 lugar sa bansa upang maisulong ang unang antas ng “Awareness and Commitment campaign on Anti-do­ping in the Philippines.”

Ang Philippine Sports Com­mission (PSC) ang ma­ngungunang ahensya sa nasabing kampanya at makakatulong ang Philip­pine Center for Sports Me­dicine (PCSM) na nasa kanilang pangangalaga.

“Pinasasalamatan natin ang UNESCO at sinupor­tahan nila ang ating plano pa­ra ma-educate ang ma­mamayan, lalo na ang mga atleta sa doping. May mga atleta na tayo noon na bumagsak sa doping at ang kampanyang ito ay pinaniniwalaan kong ma­kakatulong para hindi na mangyari ito sa hinaharap,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Si PCSM chief Dr. Ale­jandro Pineda Jr. ang ma­ngu­nguna sa kanilang ha­nay na pamumunuan ang kampanya.

Show comments