^

PSN Palaro

Bautista, Fernandez at Petecio sa Finals

Pilipino Star Ngayon

COLOMBO, Sri Lanka – Tatlo sa anim na boksingero ng PLDT-ABAP team ang uma­bante sa gold medal round ng Lion’s Cup.

Tinalo nina flyweight Ian Clark Bautista, bantamweight Mario Fernandez at women’s lightweight Nesthy Petecio ang kani-kanilang mga karibal sa semifinals pa­ra makakuha ng championship slots.

 Pinayukod ni Bautista si PD Suresh ng Sri Lanka sa semis para makaharap sa gold medal round si Anuruda Rathnayake.

Si Rathnayake, ang head coach ng women’s team ng Sri Lanka na nag­sa­nay sa Baguio City, ay umis­kor ng isang second round KO win sa kanyang Kenyan opponent.

Naglista naman ang Air Force man na si Fernandez ng isang unanimous decision win laban kay Manju Wan­niarchchi ng Sri Lanka.

Makakaagawan ni Fer­nan­dez para sa gold medal si Yu Che-Li ng Chinese-Taipei.

 Niresbakan naman ng 21-anyos na si Petecio si Chia Ling Chen ng Chinese-Taipei sa semis.

Makakaharap ni Petecio sa finals si Tassamalee Thongjan ng Thailand na tinalo niya sa semifinals sa 2013 Southeast Asia Games sa Myanmar noong Disyembre.

Samantala, nakuntento sa bronze medal si Eumir Felix Marcial matapos matalo kay Kenyan Okwin Raytow Nduku via unanimous decision.

Mariing kinondena ng PLDT-ABP ang naturang ka­biguan ni Marcial.

AIR FORCE

ANURUDA RATHNAYAKE

BAGUIO CITY

CHIA LING CHEN

CHINESE-TAIPEI

EUMIR FELIX MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

KENYAN OKWIN RAYTOW NDUKU

SHY

SRI LANKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with