^

PSN Palaro

San Mig Coffee nakatabla; Talk ‘N Text asam ang Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-init sa second period, hindi na hinayaan ng San Mig Coffee na makabangon ang Air21 para kunin ang 82-75 panalo sa Game Two ng kanilang semifinals series sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Mula sa 25-27 pagkakaiwan ay rumatsada ang Mi­xers sa second quarter para kunin ang isang 16-point lead, 50-34, sa halftime at itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinals showdown ng Express.

Ipinoste ng San Mig Coffee ang pinakamalaki nilang bentahe sa 77-57 sa kaagahan ng fourth quarter bago nakalapit ang Air21 sa 70-77 sa 6:55 nito.

Kumamada si import James Mays ng 25 points para sa Mixers kasunod ang 13 ni PJ Simon.

Samantala, nasa mga kamay naman ng Talk ‘N Text ang pagkakataon para walisin ang Rain or Shine sa ka­nilang semifinals duel at makapasok sa best-of-five championship series.

Tangan ang 2-0 bentahe, lalabanan ng Tropang Tex­ters ang Elasto Painters sa krusyal na Game Three ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Binigo ng Talk ‘N Text, asam ang kanilang ikalawang finals appearance matapos pagharian ang 2013 PBA Philippine Cup, ang Rain or Shine sa Game One, 91-85, at Game Two, 94-87.

“We knew the goal in mind which is to make it to the championship (series), and that’s what we trying to accomplish right now.” sabi ni coach Norman Black.

Hindi nakapaglaro para sa Elasto Painters si import Wayne Chism sa second half matapos magkaroon ng knee injury sa second quarter.

Wala rin sa Game Two ang mga may injury na sina JR Quiñahan, Chris Tiu at Jervy Cruz, nagkaroon ng MCL (medial collateral ligament) sprain sa kanyang kanang tu­hod sa kanilang team practice noong Martes.

 

CHRIS TIU

ELASTO PAINTERS

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

JAMES MAYS

JERVY CRUZ

N TEXT

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with