INFANTA, Philippines - – Sumuntok ang mga Mandaluyong boÂxers ng apat na gold at isang bronze medals paÂra makopo ang overall championship ng 2014 PLDT-ABAP Luzon Area BoÂxing Tournament dito sa Central School grounds.
Tinalo ni Luis Evander Borje si La Union bet Lawrence Ordonio, 2-1, sa banÂtamweight division at biÂnigo ni Robert Onggocan si Billy Joe Torres via TKO sa pinweight category.
Iginupo ni Jay Arre ArcilÂla si Occidental Mindoro boÂxer Jose Peldigera Jr., 3-0, sa light flyweight class, samantalang dinomina ni MeÂdardo Noculan Jr. si UniÂversity of Baguio pride Jay-R Mengote, 3-0, sa banÂtamweight division.
Pumangalawa ang TaÂyabas sa nakuhang 2 gold, 2 silvers at 3 bronze medals kaÂsunod ang La Union (1-2-1 ) at Nueva Vizcaya (1-0-2).
Dalawang silver at isang medals ang nasikwat ng Occidental MinÂdoro, habang may isang silver at bronze medal ang Sorsogon at University of BaÂguio.
Ang punung-abalang Quezon Province ay nakaÂkuha ng isang tansong meÂdalya.