COLOMBO, Sri Lanka – Naging produktibo ang Day 2 para sa PLDT-ABAP team sa kanilang kamÂpanÂya sa Lion’s Cup.
Ito ay matapos talunin ni Eumir Felix Marcial ng ZamÂboanga City, nagÂkamÂpeon sa AIBA Junior World Championship noÂong 2011, si Jia Wei Tay ng Singapore sa welterweight class.
Binasag ni Marcial ang ilong at pinaputok ang kilay ng Singaporean.
Dahil dito ay itinigil ng reÂferee ang naturang laban sa second round.
Ngunit bago ihinto ng referee ang laban ay nagÂkaÂbanggaan ang ulo nina MarÂcial at Tay.
Nakatakdang labanan ni Marcial si Okwiri Raytow Nduku ng Kenya sa seÂcond round ng kanyang diÂbisyon.
Nanaig ang Kenyan sa kanyang Sri Lankan opÂponent.
Naglista rin ng panalo si Ian Clark Bautista matapos dominahin si Belgian Dodji Ayigah para sa kanyang unaÂnimous decision.
Naging dikitan ang first round bago kumamada ang Asian Youth gold meÂdalist mula sa Negros OcÂcidental sa second at third rounds para talunin si Ayigah.
Umiskor naman ng paÂnalo si Nesthy Petecio sa women’s category nang payukurin si Anna Beuselinck Maganan ng BelÂgium, ang ama ay mula sa Baguio City.
Nauna nang natalo si Rogen Ladon kay PGE Madushan ng Sri Lanka sa Day 1 ng nasabing international tournament.