^

PSN Palaro

Marcial, Bautista, Petecio wagi sa kanilang laban sa Sri Lanka

Pilipino Star Ngayon

COLOMBO, Sri Lanka – Naging produktibo ang  Day 2 para sa PLDT-ABAP team sa kanilang kam­pan­ya sa Lion’s Cup.

Ito ay matapos talunin ni Eumir Felix Marcial ng Zam­boanga City, nag­kam­peon sa AIBA Junior World Championship no­ong 2011, si Jia Wei Tay ng Singapore sa welterweight class.

Binasag ni Marcial ang ilong at pinaputok ang kilay ng Singaporean.

Dahil dito ay itinigil ng re­feree ang naturang laban sa second round.

 Ngunit bago ihinto ng referee ang laban ay nag­ka­banggaan ang ulo nina Mar­cial at Tay.

Nakatakdang labanan ni Marcial si Okwiri Raytow Nduku ng Kenya sa se­cond round ng kanyang di­bisyon.

Nanaig ang Kenyan sa kanyang Sri Lankan op­ponent.

Naglista rin ng panalo si Ian Clark Bautista matapos dominahin si Belgian Dodji Ayigah para sa kanyang una­nimous decision.

Naging dikitan ang first round bago kumamada ang Asian Youth gold me­dalist mula sa Negros Oc­cidental sa second at third rounds para talunin si Ayigah.

 Umiskor naman ng pa­nalo si Nesthy Petecio sa women’s category nang payukurin si Anna Beuselinck Maganan ng Bel­gium, ang ama ay mula sa Baguio City.

Nauna nang natalo si Rogen Ladon kay PGE Madushan ng Sri Lanka sa Day 1 ng nasabing international tournament.

vuukle comment

ANNA BEUSELINCK MAGANAN

ASIAN YOUTH

BAGUIO CITY

BELGIAN DODJI AYIGAH

EUMIR FELIX MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

JIA WEI TAY

JUNIOR WORLD CHAMPIONSHIP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with