NEW YORK — Naging mabilis at mabigat ang parusang ipinataw ni NBA Commissioner Adam Silver kay Los Angeles Clippers owner Donald Sterling.
Isang lifetime ban at multang $2.5 milyon ang ipinaÂtaw ni Silver kay Sterling kasunod ang paghikayat sa mga team owners na pilitin si Sterling na ibenta ang kanÂyang koponan matapos ang racist comments nito na nakasira sa liga.
Halos karamihan ng mga team owners ay sinuportaÂhan ang desisyon ni Silver na sinasabing pinakamatinÂding parusang ipinataw sa kasaysayan ng U.S. sports.
“We stand together in condemning Mr. Sterling’s views. They simply have no place in the NBA,†wika ni SilÂver sa isang news conference.
Ang parusa sa 80-anyos na si Sterling ang pinakamaÂtaas na multang pinapayagan sa NBA constitution.
Kung papayag ang three-fourths sa natitirang 29 team owners sa rekomendasyon ni Silver, si Sterling ay mapupuwersang ibenta ang koponang kanyang hiÂnawakan sapul noong 1981.
Ang komento ni Sterling na inirekord ng kanyang nobÂya ay inilabas ng TMZ noong Sabado.
Nagbanta ang mga sponsors na aabandonahin ang NBA at ang mga kritisismo ay nagmula sa mga fans sa social media at maging sa White House.
Ikinatuwa ng mga players ang naging desisyon ni SilÂver kung saan inihayag ng union officials na kung hinÂdi kasama sa parusa ng NBA ang pagpupuwersa kay Sterling na ibenta ang Clippers ay ikukunsidera nila ang pagbo-boycott sa playoff games.
“We wanted to be a part of this decision, and we wanÂted Adam Silver to know where we stood. And we were very clear that anything other than Sterling selling his team was not going to be enough for us,†sabi ni Roger Mason Jr., ang first vice president ng players’ union.
Kinondena ni Sterling si V. Stiviano — ang female voice sa tapes — dahil sa pagpoposte ng mga litrato ng mga black athletes na sina Magic Johnson at Matt Kemp.
“It bothers me a lot that you want to broadcast that you’re associating with black people. Do you have to?†taÂnong ni Sterling sa babaeng nasa tape.
“Sentiments of this kind are contrary to the principles of inclusion and respect that form the foundation of our diverse, multicultural and multiethnic league,†sabi naman ni Silver sa nasabing komento ni Sterling na hindi maÂkuhanan ng komento.