^

PSN Palaro

Ipinataw ng NBA kay Sterling dahil sa racist comments LIFETIME BAN!

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK — Naging mabilis at mabigat ang parusang ipinataw ni NBA Commissioner Adam Silver kay Los Angeles Clippers owner Donald Sterling.

Isang lifetime ban at multang $2.5 milyon ang ipina­taw ni Silver kay Sterling kasunod ang  paghikayat sa mga team owners na pilitin si Sterling na ibenta ang kan­yang koponan matapos ang racist comments nito na nakasira sa liga.

Halos karamihan ng mga team owners ay sinuporta­han ang desisyon ni Silver na sinasabing pinakamatin­ding parusang ipinataw sa kasaysayan ng U.S. sports.

“We stand together in condemning Mr. Sterling’s views. They simply have no place in the NBA,” wika ni Sil­ver sa isang news conference.

Ang parusa sa 80-anyos na si Sterling ang pinakama­taas na multang pinapayagan sa NBA constitution.

Kung papayag ang three-fourths sa natitirang 29 team owners sa rekomendasyon ni Silver, si Sterling ay mapupuwersang ibenta ang koponang kanyang hi­nawakan sapul noong 1981.

Ang komento ni Sterling na inirekord ng kanyang nob­ya ay inilabas ng TMZ noong Sabado.

Nagbanta ang mga sponsors na aabandonahin ang NBA at ang mga kritisismo ay nagmula sa mga fans sa social media at maging sa White House.

Ikinatuwa ng mga players ang naging desisyon ni Sil­ver kung saan inihayag ng union officials na kung hin­di kasama sa parusa ng NBA ang pagpupuwersa kay Sterling na ibenta ang Clippers ay ikukunsidera nila ang pagbo-boycott sa playoff games.

“We wanted to be a part of this decision, and we wan­ted Adam Silver to know where we stood. And we were very clear that anything other than Sterling selling his team was not going to be enough for us,” sabi ni Roger Mason Jr., ang first vice president ng players’ union.

Kinondena ni Sterling si V. Stiviano — ang female voice sa tapes — dahil sa pagpoposte ng mga litrato ng mga black athletes na sina Magic Johnson at Matt Kemp.

“It bothers me a lot that you want to broadcast that you’re associating with black people. Do you have to?” ta­nong ni Sterling sa babaeng nasa tape.

“Sentiments of this kind are contrary to the principles of inclusion and respect that form the foundation of our diverse, multicultural and multiethnic league,” sabi naman ni Silver sa nasabing komento ni Sterling na hindi ma­kuhanan ng komento.

ADAM SILVER

COMMISSIONER ADAM SILVER

DONALD STERLING

LOS ANGELES CLIPPERS

MAGIC JOHNSON

MATT KEMP

SHY

STERLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with