PNP pinosasan ang LGU

Nagpipilit lumusot si John Ervic Vijandre ng LGU Vanguards sa aksyong ito sa UNTV Cup Season 2.  

MANILA, Philippines - si Olan Omiping para pa­ngunahan ang PNP Res­ponders sa 102-72 pagdurog sa LGU Vanguards sa UNTV Cup Season 2 noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naghatid pa si Julis Criste ng 13 puntos at limang assists para sa Res­ponders na tinapos ang laro sa first half pa lamang matapos hawakan ang 27 puntos kalamangan tungo sa ikaanim na sunod na pa­nalo.

Hindi naman nagpahuli ang nagdedepensang Judiciary at AFP nang talunin ang mga nakaharap upang manatiling magkasalo sa ikalawang puwesto.

Hindi naglaro para sa Magis si Don Camaso pero ang puwesto ay napunuan ni Frederick Salamat na gumawa ng 15 puntos upang makatuwang nina Ariel Capus at John Hall sa 83-75 panalo laban sa Malacañang Patriots

Si Capus ay may all-around output na 24 puntos, 8 rebounds, 6 assists at 2 steals habang si Hall ay naghatid pa ng 23 puntos.

 Ang kabiguan ng Patriots ay nagtulak sa kanila para bumaba sa ikaapat na puwesto sa 4-2 baraha.

May 22 puntos at 9 assists si Alvin Zuñiga at ang Cavaliers ay nagwagi sa Senate Defenders, 101-82.

Isinantabi ng AFP ang 30 puntos ni dating PBA MVP Kenneth Duremdes bunga ng mas magandang pagtutulungan at tumibay ang habol sa puwesto sa susunod na round.

Show comments