MANILA, Philippines - Hindi nakikita ni Nonito Donaire Jr. na mamamalagi na siya sa featherweight division lalo na kung talunin niya si WBA champion Simpiwe Vetyeka ng South Africa sa Mayo 31 sa Cotai Arena sa The Venetian Hotel, Macau.
Nasa bansa si Donaire para simulan ang paghaÂhanda at inamin niya na nais pa niyang lumaban sa mas mataas na dibisyon lalo pa’t hirap din siya na kontrolin ang kanyang timbang.
“It’s getting harder and harder for me to go down in weight,†wika ni Donaire.
Sa isinagawang press launch noong nakaraang linggo, si Donaire ay tumiÂtimbang sa 140-pounds na mas mataas ng 14 pounds sa paglalabanang dibisyon (126 lbs).
“I’d like to fight for the titles and fight the guys and go from there. I’ll see what happens first,†dagdag ni Donaire.
Pangalawang laban ito ni Donaire sa 126-pounds at ang una ay kontra kay Armenian Vic Darchinyan na kanyang pinatulog noong Nobyembre.
Ito ang unang pagdepensa ni Vetyeka sa WBA belt na kanyang napanalunan matapos magretiro sa ikaanim na round ang dating kampeon mula Indonesia na si Chris John.
May 32 panalo sa 34 laban, kasama ang 21 KOs, si Donaire at nakuha niya ang karapatang labanan ang kampeon dahil number two challenger siya sa dibisyon.
Kung palarin, makukuha ng 31-anyos na tinaguriang “Filipino Flash†ang kanyang ikaapat na titulo sa magkakaibang dibisyon matapos pagharian ang flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions.