Bersamina, Literatus sosyo sa liderato

MANILA, Philippines - Nanatili sa liderato sa kalakihan sina FM Paulo Bersamina at FM Jacob Literatus habang si WFM Jan Jodilyn Fronda ang nagdodomina sa boys at girls 20-years old and under kategorya sa 2014 National Age Group Chess Championship Grand Finals sa Leachhar Resort and Leisure Park sa San Antonio, Quezon.

Tinalo ni Bersamina sina Prince Mark Aquino at Mcdominique Lagula sa eight at  ninth rounds habang si Literatus ng Davao City ay nanaig  kina Clark Kent Anabieza at Justine Lita para magsalo sa unahan sa 7.5 puntos sa posibleng siyam na puntos.

Si Fronda na manlalaro ng La Salle na nagkam­peon sa UAAP ay nanalo kina Ynna Sophia Canape at WFM Janelle Mae Frayna para magkaroon ng anim na puntos sa posibleng walong puntos.

Bunga nito, si Fronda ay abante ng kalahating puntos kay Frayna at angat ng isang puntos kay WFM Cherry Ann Mejia.

Nanalo rin si Stephen Rome Pangilinan ng Manila kay Earl Rhay Mantilla ng Davao City sa 42 moves ng French Defense pero hawak pa rin ng huli ang liderato sa boys 12-under sa pitong puntos.

 

Show comments