MANILA, Philippines - Naipaghiganti ni Sixto Ducay ang pagkatalo niya sa isang Malaysian paraÂtriathlete para tulungan ang Pilipinas na makahagip ng dalawang ginto sa idinaos na Paratriathlon Asian Championships kahapon sa Subic Bay Freeport.
Si Ducay ay naorasan sa 750-m swim, 20-k bike, 5-k run karera na inorÂganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at bahagi ng 2014 K-Swiss ITU Subic Bay International Triathlon (SUBIT) ng 1:17:90 sa pinaglabanang TRI-4 (arm impairment).
Si Mohd na tinalo si Ducay sa karerang ginawa sa mas maigsing distansya na 300-m swim, 6-k bike at 2-k run, ay napahirapan sa pinahabang swim at bike tungo sa 1:18:22 tiyempo.
“Tibay ng loob ang ginawa ko dahil naghabol ako sa bike hanggang sa lumamang sa run. Kapos ako sa training dahil dalawang beses lang kada linggo ang pagsasanay ko pero inireserba ko ang sarili ko sa forte ko lalo na sa run,†wika ng 46-anyos na si Ducay na nanalo na rin ng dalawang pilak sa 800-meter run sa 2009 at 2013 ASEAN ParaGames.
Wala namang nakalaÂban si TRI 2 (severe leg imÂpairment) si Andy AvelÂlaÂna upang mapanatili ang titulo sa naisumiteng 1:44:16 oras sa karerang handog ng K-Swiss at may ayuda pa ng Century Tuna, Harbor Point, Ayala Malls, Gatorade, SPEEDO, Standard InsuÂrance, Harbor Point, Ayala Malls, David Salon, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Tourism Department at Philippine Sports Commission (PSC).
Ang lahok ng Japan ang siyang lumabas bilang pinakamahusay nang angkinin ang huling apat na kategoryang pinaglabanan.
Si Toshio Furubata ay may 1:08:44 sa TRI 5 (moÂÂderate leg impairment), si Toshihiro Shirae ay may 1:17:03 sa TRI 6 (viÂsually impaired, si Shingo Kuboyama ay may 1:18:22 sa TRI 3 (Les Autres) at si lady paratriathlete Atsuko Yamada ay may 1:28:30 sa TRI 6.
Magtatapos ang dalawang araw na kompetisyon na may suporta pa ng TraÂveler’s Hotel, Blackbeard’s Seafood Island at Green Triathlon sa paglarga ng male at female Elite at Age Group Championships.