MANILA, Philippines - Ang kaisa-isang IFBB Pro na si Gemmalyn Crosby ay naririto sa Pilipinas paÂra sa Gemmalyn Crosby Sports Festival (GCSF) sa DuÂsit Thani Hotel, Makati City.
Ang 2014 GCSF ay gaÂganapin sa Hunyo 13 hanggang 14.
Ito ay inaasahang daÂdaluhan ng mga internatioÂnal at local artists para suÂmali o maÂging hurado
Nakamit ni Crosby ang kanÂyang IFBB Pro Card nang manalo siya sa kanyang kategorya sa Arnold Classic Amateur sa Estados Unidos.
Noong 2012 ay naging propesyunal si Gemmalyn sa Tampa kung saan siya naÂlagay sa ika-sampung ranggo.
Lumaban din siya sa EVL Prague Pro Bikini (8th), Fort Lauderdale Pro (4th), Houston Pro 14th, St. Louis Bikini Pro (6th) at VaÂlenti Gold Cup (6th).
Kamakailan lang ay suÂmali si Gemmalyn sa Sheru Classic 2013 kung saan siya tumapos sa ikatlong puÂwesto.
Si Crosby ay isang LaÂbrada-sponsored athlete.
Kumakatawan siya sa eight-time Mr. Olympia bilang sertipikadong IAFS trainer ng Lee Haney.
Si Crosby din ay isang kiÂlalang guro ng Filipino Combat Systems (FCS).