PBA Press Corps Journalism seminar

MANILA, Philippines - Sa hangaring maging kapaki-pakina­bang ang bakasyon ng ilang estud­yante, isasagawa ng PBA Press Corps ang ka­una-unahan nitong Summer Jour­na­lism Workship sa pakikipagtulu­ngan sa Meralco ngayon sa Seminar hall, (Tech Services Bldg), Meralco compound, Ortigas Ave., sa Pasig City.

Animnapung estudyate buhat sa tatlong campuses - Polytechnic University of The Philippines-Sta. Mesa, EARIST at Universidad de Manila (UDM) ang makiki­bahagi sa day-long summer workshop.

Si PBA Season 39 chairman Ramon Seguismundo ng Meralco ang siyang mag­bibigay ng opening remarks sa seminar.

Pangungunahan ni dating PBA Press Corps president Musong Castillo ng Philippine Daily Inquirer ang listahan ng speakers at tatalakayin nito ang tungkol sa Sportswriting.

Tatalakayin naman ni PBA Press Corps treasurer Richard Dy ng Spin.ph ang Newswriting at Feature writing. Ang be­teranong photojournalist na si Tony Pionilla ng Manila Bulletin ay magsasalita tungkol sa Photo journalism.

Hinihimok ni Pascua ang mga officers at miyembro ng PBA Press Corps na makibahagi sa seminar.

Show comments