Hindi umubra ang yabang ni Timothy Bradley sa ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Sa mga araw na papalapit sa kanilang laban, walang humpay na sinabi ni Bradley na patutulugin niya si Pacquiao at tatapusin ang career nito.
Kesyo tapos na raw ang maliligayang araw ni Pacquiao sa loob ng ring at wala na ang dati nitong uhaw at gutom para manalo.
Masyado na raw naging mabait si Pacquiao sa kanyang mga kalaban kaya hindi na maka-knockout. Sinabi rin ng trainer ni Bradley na si Joel Diaz na kung ganyan din lang ay lumipat na ng sport si Pacquiao.
Mag-tennis na lang o kaya mag-golf si Pacquiao.
Tahimik lang si Pacquiao kahit na alam mo na sa kanyang loob ay naiirita na rin siya sa mga pasaring ng kabilang kampo.
Ni hindi mo narinig sa kanya na gusto niyang patuÂlugin si Bradley. Basta gagawin lang daw niya ang lahat at aasa sa panalo--decision man o knockout.
At yun nga ang ginawa niya.
Matapos ang mabagal na panimula, dinomina ni Pacquiao ang laban magmula sixth round. Mayabang si Bradley sa mga unang rounds.
Kinekengkoy niya si Pacquiao.
Kaya nang nagsimula siyang pagtatamaan ni Pacquiao ay unti-unting nawala ang angas. Sa katapusan ng 10th at 11th rounds, hindi na siya makatingin kay PacÂquiao.
Maganda ang kinaupuan natin sa laban sa MGM Grand. Ilang pulgada lang ang layo natin sa ring kaya kitang-kita natin ang mga nagaganap.
Unanimous decision ang panalo ni Pacquiao at sa panig ni Bradley, aminado naman siya sa kanyang pagkatalo.
Hanga raw siya kay Pacquiao dahil sa bilis at lakas nito. At sinabi rin niya na hindi pa tapos si Pacquiao sa boxing.
No choice na siya kung hindi sabihin ang mga ito.
Tanggal ang yabang.