Wang’s Ballclub pinirata ang Lyceum sa MBL

MANILA, Philippines - Hinugot ng PBA D-League campaig­ner Wang”s Ballclub ang ika-dalawang dikit na panalo matapos pabagsakin ang dating kampeon na Lyceum of the Philippines, 89-83, sa 2014 MBL Open basketball championship sa Lumera Tower sa Legarda, Manila.

Ang dating St. Clare College standout na si Eric Acuna ay umiskor ng 10 sa kan­yang 12 puntos sa nakabibilib na sco­ring run sa fourth quarter upang igiya ang Wang’s Ballclub nina manager Alex Wang at coach Pablo Lucas sa panalo sa nasabing tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRC Couriers at Zucchero Sports Bar.

Si Acuna ay nagpasiklab sa kanyang back-to-back three point shots sa magarang 10-2 run na tumulong sa Mandaluyong-based team upang biguin ang last-ditch comeback ng Lyceum.

Ang beteranong si Erwin Sta. Maria ang namuno sa Wang’s Ballclub sa kan­­yang 19 puntos, kabilang ang 10 sa se­cond quarter.

Wang’s Ballclub  89--Sta.Maria 19, J. Ferrer 16, Rosopa 15, Cuevas 12, Acuna 12, Reyes 8, Asoro 3, Camacho 2, Montuano 2, Castro 0, Sanchez 0, Berre 0.

Lyceum 83--Rimando 20, Alanes 16, La­castesantos 13, Azores 13, Baltazar 8, Taladua 8, Evangelista 3, Soliman 1, Mendoza 0.

Quarterscores: 24-21, 40-39, 63-58, 89-83.

 

Show comments