SOFIA, Bulgaria – Nananatiling palaban pa si HiÂpolito Banal Jr. nang talunin niya si Hernan Alarcon ng Colombia sa AIBA World Youth Championships na ginagawa sa Arena Armeec Sofia rito.
Ang 17-anyos na nakaÂbabatang kapatid ni daÂting world title challenger AJ Banal ay gumamit ng matitinding hooks sa kataÂwan para palambutin ang mas matangkad na si Alarcon tungo sa 30-27, 30-27, 29-28, panalo.
Si Banal na lamang ang nalalabing nakatayo sa apat na boksingero ng Pilipinas na lumalaban pa.
Sunod niyang makakaharap si Mert Karaclic ng Turkey na mas matangkad ng limang pulgada kay Banal.
Pero tiwala ang coaÂching staff ng ABAP na may ibubuga pa si Banal upang manatiling buhay ang hanap na tagumpay at puwesto sa World Youth Games sa Nanjing, China sa Agosto.
Ang mga naunang luÂmaban at natalo na ay sina Dannel Maamo, Presco Carcosia Jr. at Sammy BerÂnabe Jr.
“Gigil siya sa simula pero noong nag-settle na ay lumabas ang kanyang laro at inatake ang kaÂlaban,†wika ni Ronald Chavez na katuwang si Romeo Brin na dumidiskarte sa Pambansang koponan.
Binanggit naman ni ABAP executive director at delegation head Ed Picson na minalas ang ibang lahok sa draw pero nananalig siya na kakapit na ang suwerte kay Banal sa mga susunod pa niyang laban.